Sa matanto ng taga Ymus ang kasagutan ng taga Magdiwang si Capitan Emilio ay lihim na sumulat sa mga Pangulong bayan sakop ng Magdiwang ng tungkol sa nasabing pakikipagyaring gawin sa Kastila; ito’y ng mabatid ng Presidente ng Magdiwang ay karakarakang nagpatawag ng Pulong at sampung ako’y ipinasundo sa Look at guinawa na nga ang nasabing Pulong. Doo’y halos ang lahat sa akin pagpapaaninao ng kasamaan ng pakikipagyari sa Kastila ay wala na hindi ang ibig ay laban.
Sa pagka’t ang karamihan sa Pulong na ito ay minagaling na itayo ang isang Pamahalaan (Gobierno), bagama’t ipinaunawa ko na ito’y hindi mangyayari sapagka’t wala doon ang pinakakatawan ng taga ibang hukuman at bukod pa sa rito’y ipinagsabi ko na mayroon ng pinagkayarian sa Pulong na guinawa sa bayan ng Ymus; ang lahat ng ito’y niwawalan kabuluhan ng karamihan at di umano’y sa kaguipitan tinatawid ng mga bayang ito’y ay wala ng panahon ay makapag aantabay pa na dumating ang taga ibang bayan at yaong Pulong na guinawa sa Ymus ay winala rin kabuluhan sapagka’t di rao magawa ang acta. Gayon ma’y akin ipinagsabi sa lahat na kaharap sa Pulong na yaon na kung kalooban ng mga taung bayan ang siyang masusunod na makapangyayari sa paghahalal ng mga Pinuno ako’y sumasangayon.
Ng gawin ang paghahalal ay lumabas na Presidente de la Republica ay si M. Emilio Aguinaldo, Vice presidente ay si M. Mariano Trias, General en Jefe si M. Artemio Rikarte, Director de grra. M. Emiliano R. de Dios, ito’y isinigaw na lamang sapagka’t gabi na gayondin naman isinigaw akong pinagkaisahan Director del Ynterior na ipinag viva pa na gaya ng ibang nahalal; datapwa’t ng ito’y matapos na at sinisimulan ang pag hahalal ng Director de Hacienda si M. Daniel Tirona ay nagsabing may sumisigaw na ihalal sa katungkulan Director del Interior si M. José del Rosario; tuloy ipinagsabi na ang katunkulan Director del Interior ay totoong mabigat at kinakailangan ang isang marunong ang tungkulan nito, ito’y sinabi kapagkatapos na ipagturing na hindi sa pag hamak niya sa akin. Ang kasagutan ko sa kanya ay sa lahat ng katungkulan yaon ay kinakailangan ang taung marunong, datapwa’t sino ang wika ko sa nangag si labas ang kanyang maituturong marunong? gayon ma’y sumigaw rin ng ganito: Isigaw ninyo anya ¡Director del Interior José del Rosario, Abogado! Wala rin sumunod sa kanya hangan sa makaapat na ulitin kun di mangilanngilan at sigaw rin ay ako. Sa kaguluhang ito ang Presidente ng Magdiwang ay ipinahayag na yao’y hindi kapulungan ng mga taung mahal, kaya’y sinabi niya na walang kabuluhan ang doo’y mga pinagusapan. Bukod dito’y bago sinimulan ang paghahalal ay matuklasan ko ang mga panguupat ng ilan taga Ymus na di umano’y di nararapat na sila’y pamunuan ng taga ibang bayan. Kaya’t ipinahahalal na maguing Presidente ay si Capitan Emilio. Kapagkarakang ito’y mabatid ko ay akin sinabi rin na ang kapulungang yaon ay totoong marumi sapagka’t gayon ang ipinamamarali ang isiahihibo [?] sa tawo at itanong ko na kung ibig nilang isaisahin kong ituro ng daliri ang gumagawa ng gayon ang aking ituturo ang karamiha’y sumagot ng huag na. Sinabi ko rin naman na kapag hindi nasunod ang talagang kalooban nang bayan ay hindi ako makakikilala sa kanino pa mang Pinuno lumabas at kapag di ako kumilala ay di rin naman kikilalanin ng mga taga rian sa atin. Ang lumabas na general na si M. Artemio Rikarte ay isinigaw rin sa kapulungang yaon na ang kanyang pagkahalal ay sa masamang paraan
