Apolinario Mabini. La Revolucion Filipina, (1931)
Tagalog version by Sevilla in Ang Pagguho ng Himagsikan.
“Ang kamatayan ni Andres Bonifacio ay sagisag ng walang sukat na ambisyon sa kapangyarihan ni G. Aguinaldo at ang mga kaaway ni Luna sa pamamagitan ng pailalim na panirang kilos ay nagsamantala sa kanyang kahinaan upang siya’y igupo. Kung sa halip ipapatay ni Aguinaldo si Luna ay kinatigan ng una ang huli nang buong kasiyahan maaaring hindi man nagtagumpay ang rebolusyon ay magiging mataas naman ang pagpapahalaga sa ating katapangan at kakayahan sa pakikidigma. Kung buhay si Luna, ang pananagumpay ni Hen. Otis ay mahahadlangan o maiiwasan at hindi mahahalata ang kahinaan ni Aguinaldo sa kanyang military command. Ginamit ni Aguinaldo sa pagligpit kay Luna ang mga kawal na pinarusahan ni Luna sa kawalan ng disiplina at dahil sa nawalan ng disiplina, pinatay ni Aguinaldo ang disiplina kaya ang kanyang hukbo ay nabigo. Nabigo ang rebolusyon sa pagkamatay ni Luna. Kung hindi namatay si Luna sana’y hindi aamining lahat-lahat ni Aguinaldo ang pagkabigo.
Maaaring isisi sa iba. Ito ay kamatayan na rin, kamatayang moral ni Aguinaldo, lalong mapait na kamatayan kaysa kamatayang physical. Si Aguinaldo na rin ang sumira sa sarili at siya’y pinarusahan ng sariling budhi. Ganyan ang parusa ng langit.
Sa madaling sabi ang rebolusyon ay nabigo sapagka’t masama ang pagkapatnubay rito; sapagka’t ang direktor ay napalagay sa puwesto hindi sapagka’t karapat-dapat kundi sa kagalit-galit na mga pakana sa halip na tulungan ang mahuhusay na lalaki para sa bansa sila’y naging inutil dahil sa selos sa kapuwa. Siya’y naniniwala na ang kaluwalhatian ng bayan ay ang kabutihan ng kanyang sarili, kaya wala siyang tiwala sa mga lalaking may kakayahan, mabuting ugali at kabayanihan. Ang kanyang pinagkatiwalaan ay ang mga kaibigan at mga kamag-anak. Gusto niyang ang kanyang mga paborito ay magpakasakit para sa kanya kaya siya’y naging mapagbigay sa kanilang kamalian. Kanyang kinamuhian ang mga tao kaya iniwan siya ng mga tao, at nang siya’y iwan siya’y bumagsak na tau-tauhan, katulad ng kandilang natunaw sa init ng kasawian. Nawa’y maging liksiyon ito sa kabila ng di madalumat na paghihirap.” (Cuasay. Si Mabini at ang Himagsikan., pp. 148-149)
Ibid., p. 150-151.
“may paniniwala akong kung si Aguinaldo ay mamatay sa pagtatanggol ng pinagpupunyagiang kalayaan, ito’y sapat nang pambayad upang siya’y hanguin sa kahihiyan bukod sa ito’y pagpapadakila sa mga Pilipino. Nguni’t ang aking mga pahiwatig ay hindi sinunod. Ako’y hindi naghihinanakit pagka’t baka may mga hadlang sa katuparan. Sa kabila ng lahat, baka ang kanyang mga pagkakasala ay napakabigat kaya hindi ipahintulot ng Dakilang Lumikha na siya’y mamatay at matanyag na walang hanggan o kaya naman ay handa siyang maging tampulan ng mga puna upang ang pagsisisi ay makahugas sa kanyang puso. Ang nasirang Andres Bonifacio ay kinaringgan noong siya’y nabubuhay pa ng: “Wala tayong dapat katakutan kundi ang kasaysayan.” At ang katotohanan, ang kasaysayan ay makatarungan. Pinarurusahan nito ang mga pagkakasala.
Si G. Aguinaldo ay hindi dapat magulumihanan. Katulad na nga ng aking sinabi maaari pa niyang matubos ang kanyang kahapon sa pamamagitan ng mabuting halimbawa upang manumbalik ang dating pagtingin sa kanya. Siya ay bata pa at may lubos na pagkaunawa sa paggamit ng pagkakataon sapagka’t siya’y kulang sa kultura’t kabutihang hinihingi ng kanyang layunin. Ang kanyang layunin ay naligaw. Ang kay G. Aguinaldong paniniwala ay ang isang tao’y makapagsisilbi lamang kung siya’y may mataas na tungkulin. Ito’y isang pagkakamaling mapanganib sa kabutihan ng marami at ito ang naging sanhi ng mga digmang panloob na naging dahilan ng pamumulubi ng maraming bansa at pagkabigo ng rebolusyon. Sinuman ay makabayan kung sa panunungkulan, mataas man o mababa ay gumagawa ng buong kaya para sa kanyang kababayan. Ang kaunting kabutihang nagagawa sa mababang tungkulin ay karangalan samantalang ang kaunting nagagawa sa mataas na tungkulin ay pagpapabaya at pagka-walang kakayahan. Ang tunay na karangalan ay makikilala sa paggawa nang tahimik ng dakila’t tapat na kaluluwa, hindi sa pamamagitan ng nakasisilaw na palamuting balatkayo ng sirang hugis ng katawan. Ating natatamo ang tunay na kadakilaan sa pagsasanay ng ating isip sa pagtuklas ng katotohanan at pagkagawi ng ating puso sa pagmamahal sa katotohanan. Sa pagkaunawa sa katotohanan, malalaman natin ang katarungan at ating mga tungkulin at sa pagsasakatuparan ng mga ito sa paraang makatarungan, tayo’y igagalang sa anumang baitang ng pamumuhay. Huwag nating kalilimutan na tayo’y nasa mababa pang kalagayan kaya kailangang umakyat at walang ibang dapat akyatan kundi hagdan ng kabutihan at kabayanihan. Huwag nating kaligtaang lumago pagka’t kung hindi, tayo’y mamamatay na walang pag-unlad at walang karanasan na karaniwang nangyayari sa mga bansang inutil.” Apolinario Mabini. La Revolucion Filipina, Ikalawang tomo, pp. 314-321. Ang bersyong Tagalog nito ay mababasa rin sa aklat ni Cuasay na Si Mabini at ang Himagsikan (pp. 148-149) at sa aklat ni Sevilla na Ang Pagguho ng Himagsikan. Ayon kay Mabini:
“Ang kamatayan ni Andres Bonifacio ay sagisag ng walang sukat na ambisyon sa kapangyarihan ni G. Aguinaldo at ang mga kaaway ni Luna sa pamamagitan ng pailalim na panirang kilos ay nagsamantala sa kanyang kahinaan upang siya’y igupo. Kung sa halip ipapatay ni Aguinaldo si Luna ay kinatigan ng una ang huli nang buong kasiyahan maaaring hindi man nagtagumpay ang rebolusyon ay magiging mataas naman ang pagpapahalaga sa ating katapangan at kakayahan sa pakikidigma. Kung buhay si Luna, ang pananagumpay ni Hen. Otis ay mahahadlangan o maiiwasan at hindi mahahalata ang kahinaan ni Aguinaldo sa kanyang military command. Ginamit ni Aguinaldo sa pagligpit kay Luna ang mga kawal na pinarusahan ni Luna sa kawalan ng disiplina at dahil sa nawalan ng disiplina, pinatay ni Aguinaldo ang disiplina kaya ang kanyang hukbo ay nabigo. Nabigo ang rebolusyon sa pagkamatay ni Luna. Kung hindi namatay si Luna sana’y hindi aamining lahat-lahat ni Aguinaldo ang pagkabigo.
Maaaring isisi sa iba. Ito ay kamatayan na rin, kamatayang moral ni Aguinaldo, lalong mapait na kamatayan kaysa kamatayang physical. Si Aguinaldo na rin ang sumira sa sarili at siya’y pinarusahan ng sariling budhi. Ganyan ang parusa ng langit.
Sa madaling sabi ang rebolusyon ay nabigo sapagka’t masama ang pagkapatnubay rito; sapagka’t ang direktor ay napalagay sa puwesto hindi sapagka’t karapat-dapat kundi sa kagalit-galit na mga pakana sa halip na tulungan ang mahuhusay na lalaki para sa bansa sila’y naging inutil dahil sa selos sa kapuwa. Siya’y naniniwala na ang kaluwalhatian ng bayan ay ang kabutihan ng kanyang sarili, kaya wala siyang tiwala sa mga lalaking may kakayahan, mabuting ugali at kabayanihan. Ang kanyang pinagkatiwalaan ay ang mga kaibigan at mga kamag-anak. Gusto niyang ang kanyang mga paborito ay magpakasakit para sa kanya kaya siya’y naging mapagbigay sa kanilang kamalian. Kanyang kinamuhian ang mga tao kaya iniwan siya ng mga tao, at nang siya’y iwan siya’y bumagsak na tau-tauhan, katulad ng kandilang natunaw sa init ng kasawian. Nawa’y maging liksiyon ito sa kabila ng di madalumat na paghihirap.”
“may paniniwala akong kung si Aguinaldo ay mamatay sa pagtatanggol ng pinagpupunyagiang kalayaan, ito’y sapat nang pambayad upang siya’y hanguin sa kahihiyan bukod sa ito’y pagpapadakila sa mga Pilipino. Nguni’t ang aking mga pahiwatig ay hindi sinunod. Ako’y hindi naghihinanakit pagka’t baka may mga hadlang sa katuparan. Sa kabila ng lahat, baka ang kanyang mga pagkakasala ay napakabigat kaya hindi ipahintulot ng Dakilang Lumikha na siya’y mamatay at matanyag na walang hanggan o kaya naman ay handa siyang maging tampulan ng mga puna upang ang pagsisisi ay makahugas sa kanyang puso. Ang nasirang Andres Bonifacio ay kinaringgan noong siya’y nabubuhay pa ng: “Wala tayong dapat katakutan kundi ang kasaysayan.” At ang katotohanan, ang kasaysayan ay makatarungan. Pinarurusahan nito ang mga pagkakasala.
Si G. Aguinaldo ay hindi dapat magulumihanan. Katulad na nga ng aking sinabi maaari pa niyang matubos ang kanyang kahapon sa pamamagitan ng mabuting halimbawa upang manumbalik ang dating pagtingin sa kanya. Siya ay bata pa at may lubos na pagkaunawa sa paggamit ng pagkakataon sapagka’t siya’y kulang sa kultura’t kabutihang hinihingi ng kanyang layunin. Ang kanyang layunin ay naligaw. Ang kay G. Aguinaldong paniniwala ay ang isang tao’y makapagsisilbi lamang kung siya’y may mataas na tungkulin. Ito’y isang pagkakamaling mapanganib sa kabutihan ng marami at ito ang naging sanhi ng mga digmang panloob na naging dahilan ng pamumulubi ng maraming bansa at pagkabigo ng rebolusyon. Sinuman ay makabayan kung sa panunungkulan, mataas man o mababa ay gumagawa ng buong kaya para sa kanyang kababayan. Ang kaunting kabutihang nagagawa sa mababang tungkulin ay karangalan samantalang ang kaunting nagagawa sa mataas na tungkulin ay pagpapabaya at pagka-walang kakayahan. Ang tunay na karangalan ay makikilala sa paggawa nang tahimik ng dakila’t tapat na kaluluwa, hindi sa pamamagitan ng nakasisilaw na palamuting balatkayo ng sirang hugis ng katawan. Ating natatamo ang tunay na kadakilaan sa pagsasanay ng ating isip sa pagtuklas ng katotohanan at pagkagawi ng ating puso sa pagmamahal sa katotohanan. Sa pagkaunawa sa katotohanan, malalaman natin ang katarungan at ating mga tungkulin at sa pagsasakatuparan ng mga ito sa paraang makatarungan, tayo’y igagalang sa anumang baitang ng pamumuhay. Huwag nating kalilimutan na tayo’y nasa mababa pang kalagayan kaya kailangang umakyat at walang ibang dapat akyatan kundi hagdan ng kabutihan at kabayanihan. Huwag nating kaligtaang lumago pagka’t kung hindi, tayo’y mamamatay na walang pag-unlad at walang karanasan na karaniwang nangyayari sa mga bansang inutil.”
